Malaya pa ring makaba-biyahe ang public utility vehicles na bigong makapag-consolidate, matapos palawigin ng tatlong buwan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang deadline ng PUV consolidation.
Sa text message sa DZME, kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III na papayagan pa ring pumasada simula sa Pebrero ang mga hindi nakapag-consolidate na PUVs.
Mababatid na kung hindi inextend ang consolidation, huhulihin at ituturing nang kolorum ang unconsolidated PUVs simula sa February 1.
Samantala, sinabi rin ni Guadiz na magpupulong ang LTFRB upang talakayin ang epekto ng extension ng deadline. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News