dzme1530.ph

Mga pulis na nasa video ng P6.7-B Anti-Drug Operation, malapit nang kasuhan

Malapit nang kasuhan ang mga pulis na kasama sa video ng operasyon sa Maynila noong nakaraang taon kung saan nakumpiska ang nasa P6.7-B na halaga ng shabu.

Sabi ni DILG sec. Benhur Abalos, sa loob ng 10-araw ay malalaman na ng publiko kung ilang Pulis na kasama sa video ang sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo.

Inihayag din ni Abalos na bumuo siya ng task force na pinamumunuan ni NAPOLCOM Vice Chairperson Alberto Bernardo.

April 10, ngayong taon nang iprisinta ni Abalos sa media ang CCTV footage kung saan makikitang naka-posas si Mayo subalit kalaunan ay pinakawalan.

Nakita rin sa video ang pagdating at pag-alis ng ilang Police Officials sa lugar kung saan naroon si Mayo.

October 2022 nang arestuhin ang ngayo’y dismissed na si PMSgt. Rodolfo Mayo Jr. makaraang makumpiskahan ng 990 kilo ng shabu kasunod ng serye ng Anti-Drug Operations sa Maynila. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author