dzme1530.ph

Mga programa upang iangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, isinusulong ng isang senador

Sa gitna ng pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang maigting na aksyon upang iangat ang kakayahan ng mga estudyante sa pagbabasa.

Sa gitna ito ng nakatakdng  paglulunsad sa lahat ng mga pampublikong paaralan ng  programa sa pagbabasa upang iangat ang literacy skills ng mga mag-aaral.

Binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagbasa kasunod ng naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Bagama’t lumabas na tumaas ang score ng mga mag-aaral noong 2022 PISA kung ihahambing sa 353 na naitalang score noong 2018, ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na hindi maituturing na statistically significant ang pagbabagong ito.

Lumalabas na sa kabila ng pandemya ng COVID-19, hindi umurong ang kaalaman ng mga kabataan, ngunit wala ring positibong pagbabagong nakita.

Kaya’t Isinusulong ng mambabatas ang ilang mga programa upang paigtingin ang pagbabasa at learning recovery. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author