Nais ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magkaroon ng senate inquiry sa mga programa at proyekto ng pamahalaan sa pagresolba ng lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila at iba pang lungsod sa Pilipinas.
Sa kanyang senate resolution 859, sinabi ni Villanueva na mayroong personal, social, environmental at economic impact ang traffic congestion.
Binigyang diin ng majority leader ang babala ng MMDA na lalala ang bigat ng trapiko ngayong holiday season.
Katunayan, sa datos ng ahensya ay tumaas ng 10% to 20% ang traffic volume sa EDSA noong 2022, katumbas ito ng aabot sa 417,000 hanggang 430,000 na mga sasakyang dumadaan sa itinuturing na major thoroughfare ng Metro Manila.
Dagdag pa aniya dito ang pagtaas ng bilang ng mga turista tuwing buwan ng Disyembre.
Ipinunto rin ni Villanueva ang pagtaya ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na posibleng umabot ng P6-B kada araw ang mawawala sa ekonomiya ng bansa pagdating ng taong 2030 dahil sa trapiko.
Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kailangang rebyuhin ang mga polisiya, programaaf plano ng DOTr, MMDA, DILG at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsasaayos ng trapiko sa mga lansangan sa bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News