Hindi dapat balewalain ng isang tao ang nararanasang pagkahilo.
Ito ay dahil karaniwang sanhi ng pagkahilo ang problema sa mata, sa tainga, presyon ng dugo, nerbiyos, at kakulangan sa oxygen.
Ayon sa mga eksperto, pwedeng mahilo kung malabo na ang mga mata o kaya naman ay tumaas na ang iyong grado.
Isa ring pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ang may dumi o impeksiyon sa tainga kung saan puwede itong magdulot ng matinding pagkahilo o vertigo.
Minsan naman ay may nahihilo o nahihimatay sa isang mataong lugar dala ng matinding init at dami ng tao kung saan nagkakaroon ng kakulangan sa oxygen ang katawan.
Gayunpaman, ang mga taong nakakaranas ng pagkahilo ay dapat na agad magpakonsulta sa doktor.