Hindi tatanggapin ng Commission on Elections ang mga pirma sa People’s Initiative kaugnay ng isinusulong na charter change, kung mapatutunayan na ito ay bayad.
Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang mangyayari at hindi rin mabibilang ang signatures kung mayroong mga pagdududa o kung mapatutunayang ito ay binayaran.
Gayunman, naniniwala si Marcos na walang nangyayaring vote-buying sa People’s Initiative, at sa halip ay may mga nangangako umano ng kung anu-anong benepisyo.
Iminungkahi umano ni Marcos na suspendihin muna ang paglalabas ng mga benepisyo upang mapawi ang mga pagdududa, ngunit hindi niya ito itinuloy dahil marami ang nangangailangan.
Iginiit ng Pangulo na dapat na munang hayaan ang COMELEC na gawin ang kanilang trabaho at i-validate ang mga pirma. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News