dzme1530.ph

Mga Pinoy sa Israel, pinagbawalang magpunta sa matataong lugar hanggang April 30

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Israel sa mga Pinoy na umiwas o ipagpaliban muna ang pagpunta sa mga matataong lugar hanggang April 30, 2023 para sa kanilang seguridad.

Ang mga lugar ng West Bank; Jerusalem partikular na sa Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road at sa East Jerusalem; ganun din sa mga lugar malapit sa border ng Gaza at Lebanon.

Pinaalala din ng embahada sa Israel na maging observant sa kanilang paligid at iwasang kumuha ng mga litrato at videos sa mga lugar na may nagaganap na kaguluhan.

Anila huwag ding makipag-usap sa Israeli Security Forces na nakadeploy sa mga sensitibong lugar at sundin ang inilabas na guidelines ng Israeli Security Forces at Home Front Command.

Matatandaang nagkasa ng mass protest ang mga taga israel matapos sibakin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si Defense Minister Yoava Gallant.

About The Author