dzme1530.ph

Mga Pinoy pinayuhang mag-diet sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas

Pinaghahanap ng Department of Trade and Industry (DTI) ng alternatibong solusyon ang mga Pilipino upang maibsan ang tumitinding epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, sinisikap ng pamahalaan na mapataas ang produksiyon ng mga produktong agrikultura upang mapatatag ang suplay ng pagkain at maging abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin.

Makakatulong din aniya kung makapag-aadjust ng diet ang mga Pinoy at iminungkahi ang pagkain ng kamote at puting mais bilang alternatibo sa bigas.

Sinagot naman ni House Deputy Minority Leader France Castro ang pahayag ng DTI official at sinabing, insensitibo ang payo na mag-diet o magpalit ng kinakain… nasaan na aniya ang pangako ng pangulo na P20.00 na bigas na dapat tuparin nito.

Nabatid na batay sa ulat ng D.A. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, nasa P38.00-P40.00 ang presyo ng bigas na ibinibenta ng retailers at may iba namang aabot sa P50 depende sa klase ng bigas.

About The Author