dzme1530.ph

Mga Pinoy na nabiktima ng illegal recruitment sa Italy, makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas

Makatatanggap ng legal assistance mula sa pamahalaan ang mga Pilipino na umano’y nabiktima ng panloloko at illegal recruitment sa Italy, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa statement, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na personal siyang nakipagpulong sa 33 biktima sa Philippine Consulate sa Milan noong September 29.

Inihayag ni De Vega na kabuuang 215 Pinoy ang tinatayang nawalan ng P39-M sa dalawang Milan-based agencies na nag-a-alok umano ng trabaho sa Italy.

Idinagdag ng DFA official na simulan na rin ng Consulate ang pag-iimbestiga sa iba pang mga indibidwal at mga ahensya sa Milan na nanloko rin ng mga Pinoy sa mga transaksyon, na kinapapalooban ng work permit conversions, airline tickets, at citizenship applications. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author