Umuubos ang mga Pilipino ng average na 554 minutes o 9 na oras at 14 na minuto kada araw sa pagba-browse sa internet, dahilan para pumangatlo sa top social media users sa buong mundo, ayon sa isang virtual private network app provider.
Sa report ng Atlas VPN, batay sa nakalap nilang datos noong 2022, ang global daily average para sa internet usage ay 397 minutes o 6 na oras at 30 minuto.
Nanguna sa listahan ang South Africans na inilarawan bilang “most internet-addicted,” na may average na 578 minutes o 9 na oras at 38 minuto na ginugugol sa online kada araw.
Pangalawa ang mga Brazilian na may 572 minutes o 9 na oras at 32 minuto.
Sumunod naman sa mga Pilipino ang Argentinians at Colombians na kapwa mayroong 541 minutes o 9 na oras at 1 minuto. —sa panulat ni Lea Soriano