dzme1530.ph

Mga Pilipino naghihirap pa rin sa kabila ng ulat na tagumpay sa SONA —IBON

Loading

“Maraming naulit na accomplishments pero naghihirap pa rin ang mga Pilipino”

Sa kabila ng mga ipinahayag na tagumpay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address, nananatili pa rin umanong naghihirap ang maraming Pilipino.

Ayon kay Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, maituturing na kapos pa rin ang mga accomplishment ng kasalukuyang administrasyon.

Paliwanag ni Africa, tila hindi natutumbok ng pamahalaan ang ugat ng mga problema—hindi lamang sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos Jr., kundi maging ng mga nagdaang administrasyon.

Pinakamahalaga umano sanang natalakay ng Pangulo sa kanyang ikaapat na SONA ay ang usapin ng mataas na presyo ng bilihin.

Ito aniya ay dahil 0.2 percent lamang ang average na paglago kada tatlong buwan sa ilalim ng Marcos administration, mas mababa kumpara sa 1.2 percent sa ilalim ng Duterte administration at 2.1 percent noong panahon ng Aquino administration.

About The Author