dzme1530.ph

Mga paraan para gamutin ang strep throat, alamin!

Ang strep throat ay isang bacterial infection o ang pamamaga ng lalamunan.

Ayon sa mga eksperto, ang strep throat ay lubhang nakakahawa dahil maaari itong kumalat sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, at pagsalo sa pagkain o inumin.

Kadalasang nabubuo ang strep throat sa loob lamang ng dalawa hanggang pitong araw pagkatapos mahawa ng isang tao kung saan kabilang sa mga sintomas nito ang pamamaga ng tonsils o kulani o lymph nodes, masakit na paglunok,mataas na lagnat, at iba pa.

Payo ng mga eksperto upang malunasan ang strep throat, ay dapat agad na magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot, pag-inom ng maraming tubig, pagmumog o gargle ng pinaghalong asin at tubig, at pagkain ng yogurt.

About The Author