dzme1530.ph

Mga pantalan, nakaalerto na sa inaasahang pagpasok ng Super Typhoon Mawar sa bansa —PPA

Nakahanda na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa inaasahang pagpasok ng Super Typhoon Mawar (Typhoon Betty) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.

Kaugnay nito, tinututukan ni PPA GM Jay Santiago ang lahat ng pantalan sa ilalim ng PPA sakaling magdulot ito ng malaking pinsala sa lugar na lubhang maaapektuhan.

Ipinag-utos naman ni GM Santiago sa bawat Port Management Office (PMO) sa buong bansa na manatiling nakabantay sa anumang sitwasyon sa kani-kanilang lugar para sa agarang aksyon.

Nakahanda na rin ang PMO-Zamboanga at Palawan sakaling daanan man ito ng bagyo base sa pagtaya ng PAGASA.

Patuloy naman ang PPA sa pagbibigay ng paalala sa mga pasahero at iba pang anunsiyo ng 24/7 sa social media hinggil sa mga kanseladong biyahe at sa posibleng “No Sail Policy” na direktiba na ibinibigay ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nananatili rin naka standby ang lahat ng Emergency Vehicle at Medical Team ng PPA para sa anumang health emergency at iba pang kailangan ng responde sa lugar. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author