dzme1530.ph

Mga pamilyang maaapektuhan ng proyektong pagpapaganda sa Pasig River, pansamantalang patitirahin sa container vans

Pansamantalang ilalagay sa container vans Ang informal settler families na maaapektuhan ng 25 kilometrong “Pasig Bigyan Buhay Muli” Project.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni MMDA chairman Romando Artes na habang itinatayo pa ang mga permanenteng pabahay para sa mga apektadong pamilya, patitirahin muna Sila sa container vans na nasa staging areas.

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Metro Manila mayors upang matukoy ang open spaces na paglalagyan ng temporary shelter sites.

Tiniyak naman ni Artes na Ilalagay ang temporary relocation sa lugar na malapit sa tinitirhan ng ISFs.

Una nang sinabi ni Housing Sec. Jerry Acuzar na tinatayang nasa 5,000 hanggang 10,000 pamilya Ang maaapektuhan ng Pasig River Urban Development Project.

Inaasahan ding aabutin pa ng tatlong taon bago matapos ang paglilipatan sa kanilang pabahay sa Baseco Maynila at Rizal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author