dzme1530.ph

Mga paliparan sa Northern Luzon, nananatiling operational sa harap ng pananalasa ng bagyong Betty

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling normal ang operasyon ng mga paliparan sa Regions 1 at 2 sa harap ng pananalasa ng bagyong Betty.

Ayon kay CAAP, spokesperson Eric Apolonio wala namang paliparan sa Northern Luzon ang napinsala ng bagyo.

Sa kabila nito, patuloy na nakamonitor ang CAAP sa sitwasyon sa mga paliparan sa Baguio, Laoag, Lingayen, Rosales, Vigan, Palanan, Itbayat, Cauayan, Basco, Tuguegarao, Bagabag at ang San Fernando Tower Facility.

Samantala kanselado ang flights ng Cebu Pacific at Philippine Airlines sa naturang mga lugar.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa kanilang flight schedules. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author