dzme1530.ph

Mga pahayag ni dating police officer Lascañas, tinawag na rehashed issue

Rehashed issue ang mga pagbubunyag ni dating Davao Senior Police Offcer Arturo Lascañas.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Christopher Bong Go makaraang tukuyin siya ni Lascañas na tagakuha ng listahan ng mga target ng Davao Death Squad.

Sinabi ni Go na puro kasinungalingan at mga gawang storya ang mga ibinunyag ng dating police officer kasabay ng pagtanggi na may iligal na utos si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang alkalde ng Davao City.

Wala rin aniya siyang listahan na kinuha o nakita man lang at hindi siya susunod sa anumang iligal na utos kaninuman.

Iginit pa ni Go na paulit-ulit na lamang ang isyu subalit wala namang ebidensya.

Idinagdag pa ng senador na kung talagang mayroon siyag pagkakasala ay dapat noon pa siya kinasuhan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author