dzme1530.ph

Mga opisyal ng pamahalaan, kinilala ang dedikasyon ni DMW Sec. Toots Ople sa unang araw ng kanyang burol

Napatunayan sa unang araw ng burol ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang hindi matatawarang dedikasyon nito sa trabaho, sa pamamagitan ng mga papuri mula sa mga opisyal na nagbigay sa kanya ng huling respeto.

Kabilang sa mga dumalaw sa burol ni Ople sina Senador Joel Villanueva, Principal Author at Sponsor ng batas na nagtatag sa DMW, Nancy Binay, Jinggoy Estrada, Cynthia Villar, at Mark Villar.

Kasama rin sa mga nagbigay ng kanilang huling respeto sa pumanaw na kalihim sina dating Vice President Jejomar Binay at Retired Marine Colonel Ariel Querubin.

Nakaburol ang labi ni Ople sa Chapel 1 ng Heritage Memorial Park sa Taguig. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author