Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga operatiba ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkasanib na operasyon na nagresulta sa pagkakapatay kay Faharudin Hadji Benito Satar, a.k.a. Faharudin Pumbaya Pangalian o Abu Zacharia, ang lider ng ISIS Philippines at overal Amir ng Islamic State-East Asia, kahapon ng madaling araw sa Marawi City.
Sa follow-up operation nasawi rin ang kanyang right hand-leader na si Joharie Sandab, a.k.a. Abu Mursid, na finance officer ng Dawlah Islamiya-Maute Group.
Ayon kay General Acorda, ang joint law enforcement operation ay resulta ng nakalap na intelligence information na magpupulong ang dalawang notorious na terorista kasama ang iba pang mga miyembro ng Dawlah islamiyaI-Maute Group sa Barangay Ayong, Pagayawan, Lanao del Sur.
Inatasan naman ng PNP chief ang Provincial Intelligence Team (PIT) ng Lanao del Sur na i-monitor ang mga development sa insidente sa koordinasyon ng Marawi City Police Station.
Nagpasalamat din si Gen. Acorda sa mamayan lokal dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa PNP. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News