Maaari nang umuwi sa Pilipinas ang mga Overseas Filipino (OFW) sa Myanmar para magbakasyon matapos ibaba ng pamahalaan ang crisis alert level sa naturang bansa.
Sa advisory, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na papayagan ding makabalik ng myanmar ang mga Pinoy na mayroong existing contracts.
Noong Hulyo ay ibinaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Crisis Level Status sa Myanmar sa Alert Level 2 o Restricted phase mula sa Alert Level 4 o Evacuation.
Sinabi ng DFA na nangangahulugan ito na ang mga OFW na may working visa ay maaaring bumalik sa Myanmar.
Gayunman, ang deployment ban para sa mga newly hired worker ay magpapatuloy. —sa panulat ni Lea Soriano