Posibleng unahin ng Land Transportation Office ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na bigyan ng plastic driver’s license card sa gitna ng kakulangan nito.
Ito ang sinabi ni LTO Officer-in-Charge Hector Villacorta para magamit ng mga OFW ang lisensya saan man magpunta at upang makapagtrabaho dahil baka hindi tanggapin ang papel na driver’s license sa abroad.
Sa ngayon, sinabi ni Villacorta na nasa 53,000 plastic cards lamang ang natitira para sa naturang lisensya.—sa panulat ni Airiam Sancho, DZME News