dzme1530.ph

Mga nasa likod ng People’s Initiative, pinalalantad

Hinamon ni Sen. Ronald bato dela Rosa ang mga nagsusulong ng People’s Intiative para sa Chacha na umamin at lumantad na.

Ayon kay dela Rosa, kung hindi nila magawang umamin indikasyon lang na mayroon silang hidden agenda sa pagsusulong ng People’s Initiative.

Iginiit ng senador na dapat magpakalalaki at magpakatotoo ang mga nasa likod ng people’s initiative sa halip na lokohin ang publiko.

Ayon kay dela Rosa bagamat naghayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa People’s Initiative, hindi naman nito sinasabi na sila ang nasa likod ng pagsusulong nito.

Nilinaw ng Senador na handa naman ang senado na makilahok at makipagtulungan sa pag amyenda sa saligang batas subalit dapat  sa tamang paraan at huwag i-itsapuwera ang senado. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author