Nakatakdang kasuhan sa Lunes ang mga nasa likod ng smuggling at price manipulation ng sibuyas, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na ang National Bureau of Investigation at isang Undersecretary ng DOJ ang hahawak sa kaso.
Noong Hulyo ay inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DOJ at ang NBI na imbestigahan ang smuggling ng sibuyas at iba pang agricultural products sa bansa.
Sa kanyang State of the Nation Address, binalaan ng Pangulo ang agri-smugglers na bilang na ang kanilang mga araw, kasabay ng pagsisi sa mga hoarder kaya tumataas ang presyo ng agricultural products. —sa panulat ni Lea Soriano