Sa kabila ng mataas na interest rates, dumami ang mga nangutang sa bangko noong Oktubre.
Sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 7.1% ang outstanding loans ng universal at commercial banks kumpara noong October 2022.
Idinagdag ng central bank na bahagya itong mas mataas kumpara sa 6.5% expansion noong Setyembre.
Tumaas ang consumer loans ng 22.8% noong Oktubre bunsod ng sustained growth sa credit card loans at mas mabilis na pagtaas ng motor vehicle loans. —sa panulat ni Lea Soriano