dzme1530.ph

Mga namatay na Pilipino sa Israel, umakyat na sa 3, ayon sa DFA!

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong namatay sa Israel sa harap ng digmaan.

Sa press briefing sa Malakanyang, inanunsyo ni Dep’t of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega ang ikatlong casualty na isang 49- anyos na babaeng caregiver, na tubong Negros Occidental.

Ang biktima ay kabilang sa mga dumalo sa isang music festival na inatake ng teroristang grupong Hamas noong Sabado.

Naabisuhan na ang pamilya ng Pinay at inaayos na rin ang pag-uuwi sa kanyang katawan.

Samantala, sa ngayon ay tatlong Pilipino pa rin ang nananatiling unaccounted for o hindi pa nahahanap. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author