Hindi na palalawigin ng pamahalaan ang SIM Registration na nagtapos na kahapon, July 25.
Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC), na 105.9 million o 63% ng Active SIM subscribers ang nakapag-rehistro, as of July 24.
Pasok ito sa target na 100 million to 110 million registered sims pagsapit ng deadline.
Sa 105.9 million na nai-rehistrong SIM, 50 million ay mula sa Smart, 48.4 million ay mula sa Globe habang 5.5 million ay mula sa DITO.
Matatandaang ang orihinal na deadline para sa SIM Registration ay noong April 26 subalit pinawalig ito ng 90- araw. —sa panulat ni Lea Soriano