Hinamon ni Sen. Chiz Escudero ang mga nagsusulong ng mandatory ROTC program sa kolehiyo na maglabas ng scientific study kaugnay sa sinasabing total failure ng National Service Training Program (NSTP).
Sinabi ni Escudero na kailangan ang formal study para makumbinsi ang publiko na kailangan nang ibasura ang NSTP at ibalik na ang ROTC program.
Ipinaalala ni Escudero na anumang panukala na kanilang ipapasa ay dapat na nakabatay sa formal studies at hindi lamang dahil sa informal statements.
Ito ay makaraang sabihin ni Sen. Ronald Dela Rosa na mismong ang Commission on Higher Education ang nagdeklara na failure ang NSTP.
Iginiit ni Escudero na aaralin pa niya ang mga batayan ng pagbabalik ng ROTC lalo pa’t bahagi na rin naman ito ng kasalukuyang NSTP.
Sa ilalim ng NSTP Program, tatlong program components ang maaaring pagpilian ng mga estudyante na kinabibilangan ng Civic Welfare Training Service (CWTS), Literacy Training Service (LTS) at ROTC. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News