dzme1530.ph

Mga nagpapadumi ng aso sa kalsada, binalaan

Pinaalalahanan ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mga residenteng nagpapagala at nagpapadumi ng mga alagang aso at pusa sa kalsada lalo na sa harapan ng kanilang kapitbahay.

Nakatanggap ng maraming reklamo ang Manila LGU hinggil sa mga residente na walang pakundangan na magpadumi ng aso sa mga lansangan at kadalasan ay sa harapan ng mga kapitbahay.

Ayon sa alkalde labag ito sa ordinansa ng lungsod partikular ang Manila City Ordinance 1600 o ang pagbabawal sa pagpapagala at pagpapadumi ng alagang aso sa lansangan.

Ipinaliwanag pa ni Mayor Lacuna na responsibilidad ng dog owners na linisin o damputin ang duming iniwan ng kanilang mga alaga sa mga kalsada.

Kaugnay nito, hinikayat ni Lacuna ang mga apektadong residente na maghain upang laban sa mga iresponsableng pet owners.

Paalala ni Lacuna sa mga naninirahan sa Maynila na panatiliing malinis ang kapaligiran at pangalagaan ang kalusugan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author