dzme1530.ph

Mga naghahanap ng trabaho sa abroad, pinag-iingat ng B.I laban sa Human Traffickers

Mahigpit ang paalala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa mga Pilipino, na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng malaki.

Ang paalala ni Tansingco ay kasunod ng mga insidente nang pagkasadlak ng maraming Filipino sa mga scam syndicates.

Nakalulungkot ayon sa Commissioner na may mga OFWs na sa sandaling makarating sa mga bansang pupuntahan dito sa Asya ay binebenta na lamang sila na mistulang mga object, at nakararanas ng kalupitan mula sa kamay ng kanilang mga amo.

Labis na aniyang nakababahala ang mga nagaganap na transnational crimes kaya mahigpit ang kanyang panawagan na maging mapanuri at mapagbantay ang lahat.

Inihalimbawa ni Tansingco ang kaso ng 6 na Filipino na na-recruit magtrabaho bilang chat support agents sa Thailand, ngunit sila ay dinala sa Laos kung saan  puwersahang pinagtrabaho sa sindikato bilang love scammers na ang  target ay mga Asians.

Isang Pilipina rin aniya ang nabiktima ng mga human trafficker na na-recruit sa Facebook bilang Customer Service Representative sa Thailand at susuweldo ng 1,000 US dollars ngunit sa halip ay sa kumpanya ng sindikato ng scammers sa Myanmar napadpad at wala pang suweldo.

Nakabalik ng Pilipinas ang 6 na Filipino kahapon gayundin ang isang Pinay. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author