dzme1530.ph

Mga materyales para sa nalalapit na BSKE, hindi naapektuhan ng sunog sa Palacio del Gobernador

Hindi naapektuhan ang mga materyales para sa nalalapit na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa naganap na sunog sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.

Ito ang tiniyak ni Commission on elections (COMELEC) spokesperson John Rex Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco, nagsimula ang sunog sa opisina mismo ng Bureau of Treasury sa ika-anim na palapag ng gusali.

Gayunman, hindi naman naging malawak ang pinsala ng sunog base na rin sa inisyal na inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nabatid na noong nakaraang taon ay nasunog rin ang ika-7 palapag ng naturang building na umabot sa ikalawang alarma. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author