Ganap ng batas ang panukalang magpapataw ng parusa ng hanggang 10 taong pagkakakulong sa mga mapapatunayang kasapi ng LGBTQ+ community.
Inihain ng opposition lawmaker na si Asuman Basalirwa ang Anti Homosexuality Bill 2023, na naglalayong protektahan ang kultura ng simbahan; tradisyunal na mga pagpapahalaga sa pamilya ng mga taga-Uganda.
Layon din aniya ng bagong batas na mabuwag ang LGBTQ+ community.
Nagbabala naman ang grupo ng Human Rights Watch na lalabagin ng batas na ito ang karapatan at kalayaan ng mga Ugandan sa pagpapahayag at pagkakapantay-pantay.
Matatandaang una nang ginawang ilegal sa Uganda ang same-sex relationship o ang pakikipagrelasyon sa kaparehong kasarian.