dzme1530.ph

Mga magpa-pasko sa mga lalawigan, nagsimula nang dumagsa sa mga terminal ng bus, pantalan

Nagsimula nang dumagsa sa mga terminal ng bus at pantalan ang mga pasahero na magdiriwang ng Pasko sa mga lalawigan.

Ayon sa pamunuan ng Bus terminals sa Metro Manila, sa Biyernes at Sabado ang inaasahan nilang bulto ng mga biyahero bunsod ng inaasahang long weekend dahil deklaradong holidays ang Dec. 25 at 26.

Tiniyak din ng mga bus terminal na magdaragdag sila ng mga biyahe upang ma-accomodate ang lahat ng mga pasahero.

Samantala, tuloy-tuloy din ang pagdating ng mga biyahero sa Manila North Harbor matapos payagan nang muli ang biyahe ng mga barko kasunod suspensyon dahil sa bagyong Kabayan.

Inaasahan naman na magdudulot ng malaking abala ang isang araw na delay sa mga biyahe kaya naman pinayuhan ang mga pasahero na i-check mabuti ang kanilang ticket para sa pagbabago ng schedule. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author