dzme1530.ph

Mga ligal na hakbangin kaugnay sa pambubully ng China sa West PH Sea, pinag-aaralan pa ng SolGen

Pinag-aaralan pa ng Office of the Solicitor General ang legal options ng Pilipinas kaugnay sa panibagong insidente sa West Philippine Sea.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, inaalam muna nila ang buong detalye ng pangyayari.

Subalit batay anya sa inisyal na report na natanggap nila, lumalabas na intentional o sadya ang pangyayari at hindi aksidente lang.

Kaya naman ikinukinsidera nila na mali ang ginawa ng China at matinding pagbalewala ito sa international conventions at agreements gaya ng UN Charter, UNCLOS, Convention on the Safety at Sea at iba pa.

Sinabi ni Guevarra na kung tama ang pag-analisa nila ay irerekomenda nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) na obligahin ang China na sumunod sa commitment nito na ayusin ang international dispute sa mapayapang paraan.

Gayundin ang pagtigil sa paggawa ng mga hakbang na maglalagay sa panganib sa buhay at kalayaan sa karagatan.

Sinabi ni Guevarra namaaring magreklamo ang Pilipinas sa  International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), o sa Permanent Court of Arbitration, o sa International Court of Justice. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author