dzme1530.ph

Mga lider ng mahihirap na nasyon, naglabas ng galit nang dumalo sa UN Summit

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang lider ng mga mahihirap na nasyon sa buong mundo kaugnay sa hindi magandang trato ng ilang mayayamang bansa sa naganap na UN Summit sa Doha, Qatar.

Binigyang-diin ng mayorya sa mga lider ang panawagan hinggil sa ipinangakong tulong ng mga mayayamang bansa upang matugunan ang kahirapan at climate change.

Dito iginiit ng pangulo ng Central African Republic na ninanakawan umano ng Western countries ang mga poor state.

Nabatid na una nang sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang “predatory” interest rates na ipinataw ng mga international bank sa mga naturang nasyon.

About The Author