Pinagtibay ng Sandiganbayan 4th Division ang multiple corruption charges laban kay dating PNP Chief Avelino Razon makaraang ibasura ng korte ang kanyang demurrers to evidence.
Bagaman kinatigan ng Anti-Graft Court ang dalawang demurrers to evidence na inihain ni Razon, apat sa kanyang demurrers na may kaugnayan sa 409-million peso vehicle repairs and maintenance projects anomaly noong 2007 ang ibinasura.
Ipinaliwanag ng korte na nilagdaan ni Razon ang work orders at purchase orders bilang Head of the Procurement Entity (HOPE), sa kabila ng mga iregularidad na dapat ay natukoy nito.
Ang dati namang PNP Comptrollers na sina Geary Barias at Eliseo dela Paz, ay inabswelto ng Sandiganbayan makaraang katigan ang kanilang demurrers. —sa panulat ni Lea Soriano