Kontrolado na ang mga kaso ng COVID-19 na na-detect sa mga evacuee ng Mayon Volcano sa Albay.
Sinabi ni Dr. Cedric Daet, hepe ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, na “isolated” cases lamang ang mga kaso ng COVID-19.
Aniya, hindi talaga maiiwasan ang hawaan maging sa labas ng evacuation centers, subalit ang mahalaga ay kontrolado na ang pagkalat ng sakit.
Sa tala ng Albay Public Safety and Management Office, tatlong Mayon evacuees ang tinamaan ng COVID-19.
Patuloy naman ang health officers sa pagsasagawa ng disease surveillance sa lokal na pamahalaan. —sa panulat ni Lea Soriano