dzme1530.ph

Mga kasalukuyang barangay officials na kandidato sa halalan, dapat pa ring tumupad sa kanilang tungkulin

Walang batas na nagbabawal sa mga barangay official na ipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin kahit na sa panahon ng pangangampanya para sa halalan.

Ito ang iginiit ni Senador Francis Tolentino na kinumpirma naman ni Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ni Tolentino na kahit magbibigay ng undue advantage sa mga kasalukuyang barangay official na kakandidato rin ay hindi sila maaaring pigilan na isakatuparan ang kanilang tungkulin.

Iginiit ni Tolentino na dapat ipatupad ang mandato ng mga opisyal ng barangay upang hindi maapektuhan ang serbisyo sa taumbayan partikular para sa kalusugan at peace and order. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author