Hinamon ni Department of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos na magpa-drug test ang mga kandidatong tatakbo sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Abalos, isa sa pinaka malaking problema ng bansa ay droga kung kaya’t kung gusto ng mga itong manilbihan sa bayan, ay dapat na sumailalim muna sila sa drug-test.
Una rito, sinabi ng Philippine National Police (PNP) sa mga kakandidato sa BSKE, na pagpapakita ng magandang ehemplo sa publiko ang pagsasailalim ng mga ito sa drug testing.
Samantala, ayon sa Commission on Elections hindi sapat na dahilan ang ‘substance abuse’ para maharap sa diskwalipikasyon ang isang kandidato.
Batay sa kautusan ng Korte Suprema ang probisyon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nagre-request ng mandatory drug testing sa mga tatakbo sa public office, ay Unconstitutional.