dzme1530.ph

Mga kandidato sa BSKE, nanalo man o hindi, dapat nang baklasin ang kanilang campaign materials, ayon sa Comelec

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato ng nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, nanalo man o hindi, na baklasin na ang kanilang campaign materials.

Sinabi ni Comelec Spokesperson, Atty. Rex Laudiangco, na alinsunod sa batas, pagkatapos na pagkatapos ng eleksyon ay dapat nang tanggalin ng mga kandidato ang mga campaign posters.

Samantala, binigyang diin ni Laudiangco na hindi nagpabaya ang Comelec, maging ang PNP, AFP, Philippine Coast Guard, at Department of Education, kasunod ng mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa idinaos na BSKE.

Iginiit ng Comelec official na bawat insidente, lalo na noong Lunes, ay agad nilang tinugunan at mayroong mga nahuli. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author