dzme1530.ph

Mga kakandidato sa BSK elections, hinimok na makipag-ugnayan sa PNP

Ipinanawagan ng Philippine National Police (PNP) sa mga tatakbo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Chief of Police para sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, bilang paghahanda sa eleksyon, ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at local commanders na paigtingin ang kampanya laban sa mga private armed groups na posibleng magsilbi bilang “gun for hire” sa darating na halalan.

Ito ay matapos ang dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril at pagpaslang sa isang barangay chairman at kanyang asawa sa Cebu, at barangay captain sa Maguindanao.

Samantala, ani Fajardo, hindi naman itinuturing ng pambansang pulisya na may kinalaman sa eleksyon ang nangyaring pananambang, dahil hindi pa naman opisyal na kandidato ang mga biktima.

About The Author