dzme1530.ph

Mga impormasyon sa posibleng utak ng pagpatay sa vice mayor ng Aparri, Cagayan, hawak na ng PNP

Hawak na ng PNP ang impormasyon hinggil sa posibleng nasa likod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang iba pa.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., nakahanap ang mga imbestigador ng matibay na leads na makapag-e-establish ng posibleng motibo at posibleng mastermind sa likod ng pag-atake.

Sa press conference, sinabi ni Azurin na may mga banta sa buhay ng bise alkalde na nagtuturo tungkol sa negosyo bilang isa sa mga posibleng motibo.

Aniya, pinag-aaralan ng pulisya ang posibleng koneksyon sa pagitan ng pagpatay kay Alameda at sa pagtutol nito sa black sand mining business sa kanilang lugar.

Idinagdag ng PNP Chief na tukoy na rin ang ilang persons of interest sa krimen.

Si Alameda kasama ang limang iba pa ay nasawi nang tambangan ng armadong kalalakihan sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong February 19.

About The Author