dzme1530.ph

Mga hibla ng naputol na lubid ng andas, pinagkaguluhan ng mga deboto sa paniniwalang may dala itong suwerte

Pinagpupulot ng mga deboto ang mga hibla ng naputol na lubid ng andas na humihila sa Itim na Nazareno, sa paniniwalang may dala itong suwerte.

Sa kasagsagan ng Traslacion kahapon ay naputol ang isa sa dalawang lubid pagliko ng andas sa Arlegui Street at Quezon Boulevard na nagdulot ng komosyon sa lugar.

Pinagkaguluhan ng mga deboto ang naputol na lubid subalit naibalik naman ito ng mga miyembro ng Hijos del Nazareno, sa Simbahan ng Quiapo.

Hindi naman nakaapekto sa daloy ng Traslacion ang pagkaputol ng lubid dahil mas maagang nakabalik ang imahen sa Quiapo Church kumpara sa mga nakalipas na taon.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naputol ang lubid sa Traslacion. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author