dzme1530.ph

Mga guro, umapela sa gobyerno na ibaba sa 57 ang kanilang optional retirement age

Nanawagan sa pamahalaan ang ilang private school teachers na ibaba ang kanilang optional retirement age sa 57 upang ma-enjoy ang kanilang retirement benefits habang sila ay malakas pa.

Upang isulong ang nasabing adbokasiya at bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Teacher’s Month, nasa 200 guro ang nagsagawa ng motorcade sa Mandaluyong City kahapon.

Ayon kay Miriam Villa Ignacio, Pangulo ng Mandaluyong Federation of Public School Teachers Association, kadalasan ay hindi na napakikinabangan ng mga guro ang kanilang retirement pay pagsapit nila sa edad na 60 o 65, dahil nauuwi na lamang ito sa pagbili ng mga gamot.

Muli ring inihirit ng mga guro ang umento sa sahod, bawasan ang oras ng kanilang trabaho, itaas ang kanilang medical benefits, at bigyan sila ng hazard pay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author