dzme1530.ph

Mga grupo, nagpahayag ng interes sa digital banking licenses —BSP

Nagpahayag ng interes ang maraming grupo na makakuha ng digital banking licenses.

Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona kung saan umaasa ito na makapag-isyu ng mga lisensya sa lalong madaling panahon.

Noong 2021, nagpatupad ang central bank ng 3-year moratorium sa paglalabas ng nasabing license, na naglimita lamang sa anim na digital banks.

Kabilang sa nakakuha ng pag-abrupa ng BSP para makapag-operate sa bansa ay ang GoTyme ng Robinsons Bank Corp., Maya Bank ng PayMaya, Overseas Filipino Bank (OFBank), Tonik Bank of Singapore, UNObank of Singapore, at Uniondigital ng Union Bank of the Philippines. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author