dzme1530.ph

Mga gagawin ng America sa EDCA Sites, kailangan pang pag-usapan —DFA

Inihayag ng Dep’t of Foreign Affairs na kailangan pang pag-usapan ng Pilipinas at America kung ano ang gagawin ng US Forces sa military bases sa bansa na gagamitin sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

ito ay matapos i-anunsyo ng Malacañang ang apat na karagdagang EDCA Sites sa Sta. Ana at Lal-lo Cagayan, Gamu, Isabela, at Balabac Island sa Palawan.

Ayon kay DFA sec. Enrique Manalo, dapat munang mapagkasunduan ng dalawang panig kung anong mga aktibidad ang gagawin sa EDCA Sites.

Una namang tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa china na hindi magagamit sa opensiba ang EDCA Sites at sa halip ay tututok ito sa Disaster Relief Operations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author