dzme1530.ph

Mga foreign embassy, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating DFA sec. del Rosario

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga foreign embassy sa pagpanaw ng dating Philippine Top Diplomat na si Albert del Rosario.

Pinuri ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa ang mga naging ambag ni del Rosario sa relasyon ng Pilipinas at Japan, at hindi aniya kailanman malilimutan ang pangunguna nito sa pagpapatibay ng Rule of the Law in the Sea.

Magugunitang pinangunahan ni del Rosario ang matagumpay na arbitration case ng Pilipinas laban sa China noong 2016 kaugnay ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Ikinalungkot naman ni Australian Ambassador Hk Yu ang pagpanaw ni del Rosario na inilarawan niya bilang “A good friend to Australia.”

Sa loob naman ng limang araw, simula ngayong Miyerkules ay ilalagay sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng foreign service posts sa buong mundo.

About The Author