dzme1530.ph

Mga ‘food poor’ families na hindi kasama sa Food Stamp program, i-aassess ng DSWD

Pag-aaralan ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na maisama ang mga pamilyang Pilipino na naniniwalang sila ay “food poor,” na hindi napabilang sa food stamp program ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni DSWD Asec. Romel Lopez na ang mga benepisyaryo ng programa ay matutukoy sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction, na ginagamit din upang ma-identify ang mga potential beneficiaries’ ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Paliwanag ng opisyal, maaaring makipag-ugnayan ang mga pamilya sa local social welfare development office kung sa tingin at pakiramdam nila ay dapat na bahagi sila ng programa upang agad itong matugunan.

Nabatid na ilulunsad mamayang hapon ang pilot run ng food stamp program sa Tondo, Maynila kung saan 50 households’ o mga pamilya ang makakukuha ng naturang benepisyo.

Nakatakda rin sa mga susunod na linggo ang roll out ng ng programa sa ilang komunidad sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, at Caraga na tinayang aabot sa 3,000 pamiya ang mabebenepisyuhan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author