dzme1530.ph

Mga empleyado ng gobyerno, tatanggap ng P20,000 service recognition incentive

Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng hanggang P20,000 na service recognition incentive (SRI) sa mga kawani ng lahat ng sangay ng pamahalaan.

Sa Administrative Order no. 12 na inilabas ng Malakanyang, kuwalipikado sa one-time P20,000 service incentive ang civilian personnel sa national gov’t agencies kabilang ang mga nasa State Universities and Colleges at Gov’t-Owned or Controlled Corp., sila man ay regular, kontraktwal, o nasa casual positions.

Kasama rin ang uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, at Philippine Coast Guard.

Samantala, mas mababang SRI naman ang ibibigay para sa mga bagong gov’t employees na wala pang apat na buwan sa serbisyo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author