Gaya ng inaasahan, umabot sa humigit kumulang isang milyong katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery, sa paggunita ng Undas, kahapon.
Hindi ininda ng mga dumalaw sa isa sa pinakamalaking sementeryo sa bansa ang pabugso-bugsong ulan sa maghapon.
Dahil sa dami ng tao ay naging abala ang mga taga-Philippine Red Cross at Manila Rescue Team sa maya’t mayang pagdating ng mga nagpapakuha ng blood pressure at mga nahihirapang huminga.
Isang lalaki naman ang nadulas habang nasa ibabaw ng nitso, at humampas ang likuran, subalit naging maayos din ang kalagayan. —sa panulat ni Lea Soriano