dzme1530.ph

Mga deboto, handa na para sa pagba-basbas ng mga replica ng poong Itim na Nazareno ngayong araw

Handa na ang ilang mga deboto para sa pagbabasbas ng mga replika ng poong Itim na Nazareno para sa Traslacion 2024.

Sisimulan ang dalawang araw na pagsasagawa ng aktibad mamayang ala-1:30 ng hapon.

Kasabay ng pagbabasbas ng replika ay ang prusisyon nito sa paligid ng Quiapo Church.

Nagmula pa ang mga deboto sa iba’t-ibang bahagi ng Maynila at sa kalapit na mga lalawigan tulad ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Mahigpit naman ang pagbabantay ng Manila Police District para sa seguridad sa nasabing lugar. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author