Ang gout ay isang kumplikadong sakit sa buto na matatagpuan sa paa, sakong, tuhod, kamay at kamao.
Ang taong may gout ay nakararanas ng biglaan at matinding pag-atake ng sakit sa buto, pamumula at paninigas ng kasu-kasuan ng katawan.
Ang gout ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa dugo na nagreresulta ng pagkakaroon ng crystals o parang buhangin na nabubuo sa kasu-kasuan na nagiging dahilan ng pananakit at pamamaga.
Kabilang sa mga kadahilanan ng panganib sa gout ay ang labis na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, may mataas na presyon ng dugo, at kung may lahi nito sa pamilya.
Para maiwasan ang pag-atake ng gout, dapat uminom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig kada araw, ugaliing kumain ng gulay at prutas, iwasan ang pagkaing mataas sa purine gaya ng isda, sardinas, at karne, at panatilihin ang wastong timbang o kondisyon ng katawan.